launchora_img

Illustration by @luciesalgado

Sa isang mundong mapanghusga (In a Judgmental World)

Info


Sino ba ang hindi nakaranas na maging tampulan ng tukso? Sino ba ang hindi nakaranas na pag-usapan o pag-tsismisan ng ibang tao? Siguro lahat naman tayo ay nabiktima na ng bullying. Kadalasan itong nangyayari sa loob ng paaralan o 'di kaya'y sa opisina o maging sa sarili nating mga tahanan.

Sa murang edad pa lang ay naranasan mo na ang ma-bully. Bakit ganoon? Mataba ka man o payat, maitim o maputi, matangkad o pandak, at kung anu-ano pa, may masasabi pa rin sila sa'yo. Madalas pinupuna ang pisikal na kaanyuan ng isang tao.

Kung anu-anong mga masasakit na salita ang natatanggap mo. Mayroon pang pagkukumpara sa hayop at mga bagay. Alam mo 'yung feeling na kahit wala kang ginagawa sa kanila, 'yung nananahimik ka lang sa isang tabi, doon ka pa nila pagdidiskitahan. Nakakababa ng self-confidence.

Hindi mo sila pinapatulan pero darating sa point na masasabi mo na lang sa sarili mo na, "I had enough." Ito na ang oras hindi para gumanti ka kundi para tumayo at manindigan para sa sarili mo.

Kahit saan ka naman mapunta, hindi ka makakaligtas sa mga matang mapanlait. Hindi mo maiiwasan ang tsismis. Nakapagtapos ka na at may trabaho na, ganoon pa rin. Sinubukan mong hindi magpaapekto. You already knew that if you will be affected, you'll just overthink. And that's not good. Gamitin mo rin ang salitang ignore.

Bakit ba kasi nauso ang salitang insecurity ? Kung ano ang wala sa kanila, iyon ang hinahanap sa iba at kung ano ang meron sila, hindi nila nakikita.

Don't judge the book by its cover. Bago mo pansinin ang iba, manalamin ka muna. We tend to judge people by the way we see them. Hinuhusgahan natin ang iba base sa mga ikinikilos nila pero hindi natin alam kung ano 'yung mas malalim na dahilan kung bakit nagkakaganoon sila. Lahat naman may kanya-kanyang istorya, may iba't ibang pinagdaraanan pero sana 'wag nang mandamay ng ibang tao. 'Wag mong ipasa o ibunton sa iba ang nararamdaman mo. Tandaan mo babalik din iyan sa'yo.

Nobody is perfect. Walang ipinanganak na nasa kanya na ang lahat. Tandaan mo, hubad ka noong isilang ka. Ang mga katangian na tataglayin mo hanggang sa paglaki mo ay makukuha mo mula sa mga taong nakapaligid sa'yo. Isa pa, mahalin mo ang sarili mo. Makuntento ka kung ano ang ibinigay sa'yo. Hindi naman masamang maghangad ngunit 'wag lang labis na aabot na sa puntong nakalimutan mo na kung ano ang tama at mali.

No man is an island. Hindi mo kakayaning mabuhay ng mag-isa. Kakailanganin mo ang tulong ng iba. Pahalagahan mo ang mga taong palaging nandyan para sa'yo.

Life isn't about pleasing everybody. Gumawa ka man ng mabuti o masama, may masasabi pa rin ang iba sa'yo. Ganyan talaga pero magkaroon ka ng malawak na pang-unawa. Kung ako sa'yo, gawin mo na lang kung ano ang makapagpapasaya sa'yo. But remember to choose what is right and what you think is best.

Magpasalamat ka at nagkaroon ka ng pagkakataong mabuhay dito sa mundo. Bakit hindi ka na lang gumawa ng mga bagay na kapakipakinabang? Know your purpose in life. Be a blessing to others.

Let us always find the strength to understand and forgive the people who hurt us. Appreciate what you do have and always be thankful.

--

#091317tinie


9 Launchers recommend this story
launchora_img
launchora_imglove, d.
6 years ago
Because people are known to be inevitably sensitive kaya wala tayong magagawa kung bakit tendency nauso ang "crab mentality (way of pulling people down, whether may sense or wala)". People will always find ways to feel superior over anyone they find belittling. And that is an ugly truth. But you know what's funny about that? Makikitid utak nila. They don't know how to judge deeply but only superficially. At times, karma will be bitching to them and we victims will just be walking ahead of them so gracefully (with matching flipping hair and rolling eyes). True smart people will find ways to understand someone. Bad news, iilan lang sila. And that's a sad fact. :( Kaya I feel you, girl.
launchora_imgTinieee ~
6 years ago
Very well said. I totally agree with you. Parte na rin kasi yan ng buhay ng tao. Nasayo na lang kung paano ka magre-react. No, I'm good. It's just looking back to our oldselves. ;) Thank you for sharing your thoughts. :)
launchora_imglove, d.
6 years ago
Ehe, pambawi rin sa response mo sa sinulat ko last time. Anyways, I like your works. Please keep it up. :D
More stories by Tinieee
I would rather

(1) Random thoughts

90
Realizations in Life

As you grow older, what are your realizations in life?

125
Wake up call

I'm ready to start all over again...

53

Stay connected to your stories

Sa isang mundong mapanghusga (In a Judgmental World)

369 Launches

Part of the Self-Help collection

Updated on February 10, 2018

Recommended By

(9)

    WHAT'S THIS STORY ABOUT?

    Characters left :

    Category

    • Life
      Love
      Poetry
      Happenings
      Mystery
      MyPlotTwist
      Culture
      Art
      Politics
      Letters To Juliet
      Society
      Universe
      Self-Help
      Modern Romance
      Fantasy
      Humor
      Something Else
      Adventure
      Commentary
      Confessions
      Crime
      Dark Fantasy
      Dear Diary
      Dear Mom
      Dreams
      Episodic/Serial
      Fan Fiction
      Flash Fiction
      Ideas
      Musings
      Parenting
      Play
      Screenplay
      Self-biography
      Songwriting
      Spirituality
      Travelogue
      Young Adult
      Science Fiction
      Children's Story
      Sci-Fantasy
      Poetry Wars
      Sponsored
      Horror
    Cancel

    You can edit published STORIES

    Language

    Delete Opinion

    Delete Reply

    Report Content


    Are you sure you want to report this content?



    Report Content


    This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!



    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.

    By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.