Are you sure you want to report this content?
Illustration by @luciesalgado
Nais kita ilagay sa altar dahil mukha kang banal.
Hindi ka naman ganun kabait dati.
Minsan mo narin ako tinaboy sa buhay mo na parang badjao.
Bakas pa saakin ang alaala na hindi mo na ako kailangan.
Ngayon sa pagbabalik mo may dala kang krus at kandila.
Nais mong bumalik na may dalang bagong pag-asa
Sinabi mo na andito ka para saakin at puwede kitang lapitan ano mang oras.
Tinanggap naman kita bilang isang kaibigan.
Alam mong malungkot ako at kailangan ng bagong pag-asa.
Alam mong kinakailangan kong isang tao na magpapaalala saakin na mahalaga ako ulit.
Alam mong minsan narin akong nasaktan at nabigo.
Alam mo rin na kaya mo ulit akong pasayahin.
Pero nagmukha kang santo sa harapan ko.
Hindi ko masabi kung buo nga ba ang pananampalataya mo o sadyang gusto mo rin akong saktan.
Pinaniwala mo ako na may pag-asa pa dahil walang kaibigan na handang tumawag ng 24 oras.
Wala ring kaibigan na magsasabing miss mo ako at yung dati natin.
Nung kinagat ko na at umasa sa nararamdaman ko dahil sa mga kilos mo,
Bigla ka ulit umasta na para bang isa ka nanaman na Santo.
Nilinaw mo na andito ka lang para magsilbing kaibigan at kasama.
Hindi ka andito para mahalin ulit ako at bigyan ulit ng isa pang pagkakataon.
Ang sabi mo saakin hindi karma ang tawag dun, kundi "not meant to be"
Pinaniwala mo akong puwede pa at may pag-asa pa.
Kinagat ko na ang patibong na inilaan mo para saakin.
Ngayon ay handa na akong magpa-convert sa ibang relihiyon para di ko na ulit makita ang itsura mong Santo-Santohan.
He left you without saying anything? What a stupid human being he is!
00We love, we get hurt. But that doesn't mean we lost the battle.
00137 Launches
Part of the Love collection
Published on February 24, 2017
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.