Are you sure you want to report this content?
Oo, sunshine ang pangalan niya, sunshine ang ipinangalan ko sa kanya. Kase totong lumiliwanag ang paligid kahit pa nakapatay ang ilaw kapag ngumingiti na siya. Hindi niya alam pero sa tingin ko kahit hindi pantay ang mga ngipin niya, ang ngiti niya ang paunang depinisyon ko ng maligaya. Si sunshine ang araw ko sa gabi, sa gabi ko lang kasi siya matagal na nakakausap dahil magkabilang mundo ang pagitan namin.
Masaya ako kapag may bago akong make-up, masaya din ako kapag kasama ang pamilya't mga kaibigan, masaya ako kapag may magandang balita para sa akin, pero iba ang saya ko kapag kausap ko na si sunshine. 'Yong sayang sa kanya ko lang nakikita. Para akong nasa ibang mundo tapos gusto ko na sana hindi na tumigil ang oras. Gusto ko lang pagmasdan ang mga galaw sa bawat parte ng mukha niya, pakinggan ang bawat salita na sinasabi niya, maramdaman ang bawat segundo na pinapahiram ng tadhana. Mahal ko si sunshine. At parehong alam niya 'yon at hindi niya alam. Alam niya kase lagi kong sinasabi, pero hindi niya alam kung anong mga kaya kong gawin para patunayan 'yon sa kanya. Kahit iniisip niya pa na malabong mahalin mo ang taong hindi mo pa nakikita. Para sa mga katulad ko, ang layo ay isa lamang konsepto na kahit kailan ay hindi naging hadlang para magmahal.
Mahal ko si sunshine, pero hindi niya ako mahal.
Nakikita ko iyon sa mga mata niyang nakikita lang ang mga gusto niyang makita. Na kahit pa sabihin niyang espesyal ako alam kong hindi ako ang taong habambuhay na gusto niyang makasama. Alam ko na kahit mawala ako hindi ako mag-iiwan ng marka ng kalungkutan sa kanya. Na kahit sabihin ko pa ng paulit-ulit na pinipili ko siya, sa bandang huli, hindi ako ang pipiliin niya.
Pero mahal ko si sunshine.
Kahit alam kong pampalipas oras niya lang ako. Na kahit alam ko na kasinungalingan na ang mga rason niya, pinipilit ko paring bigyan siya ng pang-unawa at tiwala.
Kase mahal ko si sunshine,
pero hindi niya ako mahal.
The rarest flower is the one that blooms in adversity. His quote for me.
2243 Launches
Part of the Love collection
Published on April 05, 2019
(0)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.