Are you sure you want to report this content?
Wala na, kaya mo pa ba?
Yung saya,
Yung kaba,
Yung kilig kapag nandiyan siya
Kaya mo pa ba? Ngayong wala na siya?
Kakayanin mo naman diba? kasi sa wala rin kayo nag umpisa,
Sa mga salita at kwento sa mundong kayo lang dalawa.
Siguro napapaisip ka kung kaya mo pa ba, kaya mo pa kaya?
Kaya mo pa bang ipagpatuloy ang mundong binuo niyong dalawa
ng ikaw lang mag isa? Kinakaya mo pa ba?
Alam ko nahihirapan ka na, pwede ka nang bumitaw sa pagkakakapit
sa mundo niyong gunaw na, yung wala na
Pero sabi nila, pag mahal mo ipaglalaban mo.
Oo, alam ko mahal mo siya,
Pero kaibigan ka lang niya.
Gumalaw ka sa maling mundo na inakala mo sa inyong dalawa, na kayo talaga. Ano? Kaya mo pa ba? ngayong ginunaw ng pag amin mo sakanya at mga panumbalik niyang "Bessy, may gusto na akong iba."
Gumuho ang mundo mo kasabay nang pagpatak ng mga luha pero pilit mong ikinukubli ang sakit sa mga sinabi niya kasi kaibigan mo siya. Oo, kaibigan ka lang niya kaya sumuko ka na, narinig mo na siya.
Mawala man yung saya, yung kaba, yung kilig kapag nandyan siya pero 'di mawawala ang mga alaala niyong dalawa kaya bitawan mo na siya at ipinapangako ko, kapag kinaya mo, darating ang panibago mong simula.
Bagong mundo na ikaw lang at ang saya, mga letra at sulat mo, ngalan mo ang may akda, kumawala ka at gumawa kasi wala na siya.
Kaya mo pa ba? Kakayanin mo naman diba?
Kung pansamantala ka lamang at wala kang karapatan siya'y pagsabihan, tatanggapin ang katotohanan.
1072 Launches
Part of the Life collection
Published on June 03, 2017
(4)
Characters left :
Category
You can edit published STORIES
Are you sure you want to delete this opinion?
Are you sure you want to delete this reply?
Are you sure you want to report this content?
This content has been reported as inappropriate. Our team will look into it ASAP. Thank You!
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.
By signing up you agree to Launchora's Terms & Policies.